
Marami nang naisulat ang mga health and food experts tungkol sa kahalagahan at kainaman ng pagkain ng gulay at prutas sa ating kalusugan. Mabuti na lang marami sa ating mga Pinoy ang mahilig talagang kumain ng fruits and vegetables, no? Sa amin sa Pandi, Bulacan ay marami kaming tanim na prutas sa aming bakuran. Magaling kasing magtanim ng mga halaman at puno ang aming ama. Meron kaming puno ng santol, avocado, langka, mangga, buko, sinigwelas (at one time), atis, guyabano at bayabas. Sa mga gilid-gilid naman ng bakuran ay may tanim rin siyang gulay tulad ng okra, talong, kamatis at bataw. Sayang at wala na kaming balag ng patola. Kaya bata pa lang kaming magkakapatid ay mahilig na kami sa gulay at prutas.
Kung hindi ka naman mahilig kumain ng gulay at prutas, aba eh dapat magsimula ka nang i-like ang mga ito. Dahil alam mo ba, ayon sa Heart and Stroke Foundation isang paraan upang ma-improve agad ang ating health ay dapat increase rin natin ang intake of vegetables and fruits? Eating 5 to 10 servings everyday may help reduce our risk of heart disease and stroke. Bukod sa masarap at iba’t ibang lasa, nagtataglay rin ang mga gulay at prutas ng samu’t saring heart-healthy nutrients.
Paano mo nga ba masusukat ang mga serving-serving na yan? Ganito raw: ang isang serving ay katumbas ng isang tasa halimbawa ng dark green leafy lettuce, or a medium stalk of broccoli, o di kaya kalahating tasa ng frozen peas, or isang medium-size apple or banana, or a half cup of canned peaches, or a half-cup of low-sodium tomato juice.
Karamihan sa mga gulay at prutas ay particularly rich in Vitamin C and in beta-carotene, na isang uri ng Vitamin A. Nagsisilbing mga antioxidants ito sa ating katawan, na tumutulong magpabagal o mapigilan ang atheroschlorosis , sa pamamagitan ng pagharang nito sa buildup ng plaque ng cholesterol at iba pang unhealthy substances sa ating arteries. Ilan sa mga punumpuno ng vitamin C ang broccoli, red peppers, strawberries, oranges, kiwi and cantaloupe. At dahil ang beta-carotene ang nagbibigay sa mga pagkain ng isang distinctive dark-orange, red or dark-green colour, madali mo silang maiispatan tulad ng carrots, kamatis, kalabasa, pink grapefruit at sweet potatoes or kamote. Bonus pa: halos lahat ng gulay at prutas ay mababa ang taglay na calories, fat and sodium. In fact, research shows that high consumption of vegetables and fruit is associated with maintaining a healthy weight. O di ba?
Kung hindi ka pa rin kumbinsidong kumain ng mas maraming gulay at prutas, knows mo ba na ang mga ito ay good source of fiber? Kailang-kailangan ito ng mga taong alam mo na, medyo irregular ang pagdalaw sa washroom (wink!) Eating fresh vegetables and fruit provides a good source of fibre. Kaya whenever possible, kainin din daw ang balat- it will make a big difference to your total daily fibre intake. Halimbawa, ang isang sariwa at hindi binalatang mansanas ay may almost 10 times more na fibre kaysa sa isang baso ng apple juice. Yung iba kasi binabalatan ang mansanas, huwag raw, mas mainaw na kainit pati balat. Same goes with bayabas, sabi nga nasa balat ang mas maraming sustansya, di ba?
Kaya tutal ngayong summer maraming prutas at gulay na available, huwag nating sayangin ang pagkakataong makain ang mga ito, dahil bukod sa masisiyahan ka na aba eh, healthy ka pa!
Hanggang sa muli!