BEACON
 
Web    www.filipinojournal.com
Winnipeg, Manitoba, Canada | Monday, September 06, 2010
   
news advertise classifieds archives subscribe survey contact
   
haiti picture.jpg
transplantmanitoba.ca
century roadshow
Ebook
wedding stories
Rosalinda
XMAS
SocialTwist Tell-a-Friend September 05 - 20, 2007 | Volume 21, Number 17  
Main > Editorials and Opinions



Kay Sarap Magbalik-Eskuwela!


Nung ako’y nag-aaral pa, lagi akong excited kapag malapit na ang pasukan. Bukod sa makikita ko na naman ang aking mga kaibigan, teachers at classmates, usually bago ang mga gamit sa school. Ewan ko ha, pero iba ang feeling kapag naamoy mo ang “bango” ng bagong notebook, bag, pantasa, pencil case, pambura at iba pa. Ngayon nga, kapag nakaka-amoy ako ng mga bagong gamit pang-eskuwela, it brings back a lot of wonderful memories of my youth.

Mapalad ang mga kabataan dito sa Canada, libre ang pag-aaral. Yung mga katutubo nga, binabayaran pa ng gobyerno para lang mag-aral. Hindi ko tuloy maiwasang maisip ang ating mga kabataang Pinoy sa Pilipinas na gustung-gustong makapag-aral pero hindi magawa dahil walang sapat na pera. Kahit sabihin pang libre ang tuition sa mga public schools, aba kailangan pa rin ng pera pambili ng uniform, gamit, pamasahe, baon araw-araw at iba pang miscellaneous expenses, di ba?

So sa mga mapapalad na kabataang nakakapag-aral, huwag sanang sayangin ang panahon. Pagsumikapang mag-aral mabuti.  Going to school is easy, compared to actually staying in school. And to help you, I have some “survival tips” that can help put you ahead in school:

Breakfast is the most important meal of the day. Kaya make sure na kakain ng agahan bago pumasok sa eskuwela. Students are more alert and perform better in class if they eat a good breakfast.

Get enough sleep. Base sa mga pag-aaral, ang mga teens ay nangangailangan ng 8 1/2 hours of sleep each night to feel rested. Isa pa ring pag-aaral ang nagsabi na ang mga estudyanteng nakakatulog ng sapat bago ang isang math test, ay tatlong beses na nakakasagot ng tanong, kesa sa mga kulang sa tulog o puyat.

Do more at school and you’ll have less to do at home. Kapag walang klase, mag-review ng notes, go to the library or computer lab, mag-research. Later on, matutuwa ka’t ginawa mo ito habang nag-e-enjoy ka sa mall or movie habang nagka-cram ang iba!

Isa rin sa pinakamabisang paraan to make friends and learn your way around is by joining school clubs, sports teams and activities. Kahit hindi ka maglalaro, o magso-solo sa play, puwede ka namang maging part pa rin ng isang worthwhile activity - like tumulong behind the scenes, taga-cheer, taga-dala ng props at gamit, etc.

Ang pagpasok sa eskuwela bukod sa pagkuha ng kaalaman, ay panahon ng pagkakaroon ng mga bagong kaibigan at maka-diskubre ng mga bagong bagay na makakatulong sa ating buhay. Kaya muli, mga eskuwela, pagbutihin ang pag-aaral at I hope someday, you will be able to help others na makapag-aral rin.

Hanggang sa muli!
(source “TeenhealthFoundation”)

 
other stories:

 An Inner City Experience…
 Bringing Sexy Back!
 Journey to the Philippines Part 2:
 Lumilingon Ka Ba sa Pinanggalingan Mo?
 Monte Maria : a breathtaking shrine to Mama Mary in the Philippines
 PROCREATION AND REPRODUCTION OF THE BANTAY-KATUBIGÁN (Philippine Aquatic Fairies)