BEACON
 
Web    www.filipinojournal.com
Winnipeg, Manitoba, Canada | Monday, September 06, 2010
   
news advertise classifieds archives subscribe survey contact
   
haiti picture.jpg
transplantmanitoba.ca
century roadshow
Ebook
wedding stories
Rosalinda
XMAS
SocialTwist Tell-a-Friend November 05 - 20, 2008 | Volume 22, Number 21  
Main > Editorials and Opinions



Recruitment Agencies: Love ’em or Hate ’em


Hindi na bago sa ating mga Filipino ang balitang panloloko o di kaya ang overcharging ng maraming recruitment agencies sa mga taong nagnanais makapagtrabaho sa ibang bansa. Ngayong madalas ang press release na libu-libong manggagawa ang kinakailangan ng Canada, hayan at dagsa na naman ang ating mga kababayang nagbabakasakaling sila’y palaring makarating at makapagtrabaho rito.

When I was in Edmonton, Alberta, in June of this year for the launching of Alberta Filipino Journal, I had the chance to talk with Vicky Ewert, who has a consulting and recruitment company based in that prosperous city. Naitanong ko sa kanya ang basic process ng pagkuha nila ng temporary workers mula sa ibang bansa, she says, mula sa Pilipinas. She told me na, una, may kausap silang Canadian employer na iha-hire ang kanilang kumpanya upang humanap ng kailangan nilang skilled workers. Babayaran sila ng employer for all their efforts, kaya usually wala talagang gagastusin ang bawat aplikante kundi ang pag-aasikaso ng kanilang passports at iba pang kailangang dokumento. Pero WALANG placement fee, whatsoever, dahil ang employer na nga ang bahala sa lahat, maikuha lang sila ng qualified and skilled workers whom they need. Sabi pa ni Ms. Ewert, kapag anim lang o mas mababa ang bilang ng kailangan nilang empleyado, hindi na sila dumadaan sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA). Kumbaga, “direct hire” talaga ang ginagawa nila. They themselves usually hold the information seminars, interviews, and final selection of applicants; because, according to her, the Alberta government allows such concession. Pero sa oras raw na lumagpas sa anim ang kukunin nilang temporary workers, that’s when they need to go through POEA.
NOT Allowed to Collect Placement Fees from Workers Bound for Canada

Binisita ko ang Web site ng POEA, at malinaw na nakasaad roon ang sumusunod:

“The Canadian provinces of Saskatchewan, Manitoba, Alberta, and British Columbia, which have signed a memorandum of agreement with the Department of Labor and Employment, are recruiting Filipino workers through licensed recruitment agencies and not through POEA.

“Applicants may submit their applications to recruitment agencies with approved job orders from Canadian employers. Recruitment agencies are not allowed to collect placement fees from workers bound for Canada.”

Makikita rin sa Web site ang kopya ng Memorandum Circular no. 03, na nagsasabi na dapat sundin ng placement agencies ang batas ng mga bansang kanilang pinapadalhan ng mga manggagawa, at na hindi dapat maningil ang mga ito ng “placement fee” dahil ang employer mismo ang nagbabayad nito, maging ng kanilang recruitment services.

It was also clearly stated in the said memorandum na ang mga batas at regulasyon ng Manitoba, Saskatchewan, Alberta, at British Columbia ay nagbabawal sa paniningil ng recruitment at placement fees mula sa mga taong nagnanais magtrabaho sa mga lugar na ito. Sinumang agency na lalabag dito ay maaring tanggalan ng license to operate.

Unscrupulous Recruitment Agencies

Pero bakit may mga agency pa ring nakakalusot at nakakapaningil ng daan-daang libong piso sa mga nagnanais mangibang-bansa? Para mo na ring tinanong kung bakit may masasama at may mabubuting tao. Ang mahalaga, kung ikaw o isa sa mga kamag-anak mo ang nagbabalak mangibang-bansa upang magtrabaho, mahigpit na ipinaaalala ng POEA ang mga sumusunod:

(1) Huwag mag-apply sa recruitment agencies na hindi nila lisensiyado. May listahan ng legal agencies sa Web site ng POEA;
(2) Huwag makikipag-deal sa agencies na lisensiyado nga pero wala namang job orders;
(3) Huwag makikipag-deal sa isang taong hindi naman authorized representative ng isang licensed agency;
(4) Huwag na huwag makikipag-usap ng business sa labas ng registered address ng ahensiya. Huwag papayag na makipagkita sa isang restaurant, bahay, o iba pang lugar na hindi naman opisina ng ahensiya;
(5) Huwag magbayad nang sobra sa allowed placement fee. Dapat ito ay katumbas lamang ng isang buwang suweldo, exclusive of documentation and processing costs;
(6) Huwag magbabayad ng placement fee unless may pinanghahawakan kang valid employment contract at official receipt;
(7) Huwag ding magpapahikayat sa ads or brochures na nagsasabing maaari kang mag-apply sa pamamagitan ng pagpapadala sa isang P.O. Box address ng dokumento kasama ang bayad para sa processing. (*www.poea.gov.ph)

Wala talagang kasiguruhan ang pag-a-abroad. Tanggapin na natin ang katotohanang may pinapalad, may minamalas. The best we can do is be wise and meticulous enough to know if we can really trust the agencies or the people from whom we are seeking help and advice concerning working abroad. Magsaliksik at magtanung-tanong dahil kung hindi, butas na ang bulsa at ubos na ang kabuhayan, masakit pa sa kalooban.

Hanggang sa muli!
 
other stories:

 Edgar Jopson: A Contemporary Hero
 Heavy Metal Thunder!
 Matatanda Nga Lang Ba ang Nagbabasa ng…?
 Provici Cosmetics